View Post

Korte Suprema, tinatakwil ang sariling wika – UP Diliman

Upang tutulan ang muling pagtanggal ng Filipino at Panitikan bilang bahagi ng kurikulum ng mga unibersidad at kolehiyo, nagsagawa ng isang kilos protesta ang mga mag-aaral, kawani, at propesor mula sa Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) ng Martes sa Palma Hall.

Ito ay inorganisa ng departamento matapos ilahad ng Korte Suprema na ang Filipino at Panitikan ay maaari ng tanggalin mula sa mga “core subjects” ng mga kolehiyo at unibersidad sa dahilan na ito’y itinuturo na sa elementarya at sekondarya.

Share