Kakulangan sa akademikong espasyo, dormitoryo tinutulan
Iginiit ng mga lider-estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman ang panawagan para sa “demokratikong” espasyo bilang pagtutol sa paggamit ng administrasyon ng UP sa mga silid ng Student Union Building, pati na rin ang kakulangan ng dormitoryo sa loob ng pamantasan.