View Post

Estudyante ng UP CMC, inaresto matapos ang iglap-protesta sa US Embassy kontra Balikatan

Anim na indibidwal ang inaresto ng pulis matapos ang isang iglap-protesta sa Embahada ng Estados Unidos upang tutulan ang Balikatan Exercises. Kabilang dito si Gabriel Magtibay, isang mag-aaral ng UP College of Mass Communication. Ayon kay League of Filipino Students – UP Diliman Chairperson Louise Espina, wala pang nailalabas na resolusyon ang Manila City Hall tungkol sa naganap na pag-aresto.
Share