View Post

[EDITORYAL] Pagpapanggap ang paggunita nila kay Plaridel

Kung tunay ang hangarin ng gobyernong makamit ang malayang pamamahayag, kailangan nitong alisin ang busal sa mata at bibig ng mga modernong Plaridel at tuluyang wasakin ang kultura ng karahasan.

Ang midyang sinisiil at pilit na pinipigil ay pilit ding magpupumiglas. Hindi ito titigil na ipaglaban ang kanyang kalayaan at pagsilbihan ang sambayanan, dayuhan man o kababayan ang makatunggali.

Share