Sidhi’t Silakbo: Nang hubarin ang saplot ng patriyarka
Sa panulat ni Maynard Manansala, inilapat ng Sidhi’t Silakbo ang mga mitolohiyang Griyego sa reyalidad ng mga kababaihang Pilipino. Patunay itong kahit sa magkaibang panahon at magkalayong lugar, sadyang matulis ang mga karayom na tumatahi sa kolektibong danas ng mga babae araw-araw.