Tanungan at Tugunan

Nina Kimberly Jao at Judielyn Agua

Panahon na naman ng eleksyon. Para sa matalinong pagboto, kilalanin ang mga kandidato para sa konseho ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon. Alamin at kilatisin ang bawat personalidad batay sa kanilang pagtugon sa tawag ng pagiging Alagad ng Media at Iskolar ng Bayan.


Kung mahuhuli mo si Jovito Palparan, anong gagawin mo sa 1M reward money at bakit?

Claudine Aldana (STAND-UP BC Rep): Ibabalik ko ang pera sa masa at mamamayan dahil sa kanila naman talaga ang pera na 'yun.

Farahnaz Ghodsinia (ISA Chairperson): Dapat wala nang reward money. We know that criminals like Palparan should actually be caught and punished for the crimes that he made especially po alam naman natin na two of our fellow UP students are still missing.

Angelo Lagman (Independent CommRes Rep): ‘Yung 500K sa Maskom tapos 250K sa CommRes, para umunlad 'yung college natin at lalong-lalo na yung department. Kailangan natin ng maraming fund para ayusin ‘yung college at para makatulong tayo sa mas marami pang tao.

Macario Manicad III (ISA BC Rep): Ibibigay ko siguro sa mga naging biktima ng ginawa niyang krimen at sa isang foundation na makakatulong siguro sa mga street children natin.
Patricia Ann Morata (STAND UP CommRes Rep): Ibibigay ko sa pamilya ni Karen at She o sa mga organisasyon na namamahala sa desaparecidos. Mas kailangan nila yun kesa sa akin.

 

Alyssa Mariel Suico (STAND UP Film Rep): Ilalagay ko sa bank para safe siya, mag-iinvest po ako. Siyempre hindi, magbibigay po ako sa NGO na kinabibilangan ko, sa MATA, Movement of Anti-Trafficking Advocates.

Leor Jyle Sulit (ISA CMC Rep): Kalahati sa mga naging biktima ng extrajudicial at enforced disappearances. Sila lang naman talaga ang may deserve nung pera at para naman mabigyan pa rin kahit papano ng hustisya ang mga taong naapektuhan. Natitira siguro to my chosen charity, o showbiz lang, lalo na sa Don Bosco, 'yung favorite charity ko kasi wala tayong masyadong naitutulong sa kanila.

Triciah Terada (ISA BC Rep): Hindi ko aangkinin kasi responsibilidad natin na ipaalam ang mga ganitong kaso sa kinauukulan. Siguro aalamin ko muna kung kaninong institusyon nararapat ipamigay ‘yung 1M, pero malamang sa edukasyon muna dahil 'yun talaga ang gusto kong isulong e.

Joaquin Torres (Independent Chairperson): Ibibigay ko sa Maskom.

Sarah Isabelle Torres (STAND UP CMC Rep): Papagawa natin ng mga bahay diyan sa San Roque, ipapa-reconstruct natin yung kanilang mga sala, kusina. Ipapamigay natin sa mga taong walang gamit at sa mga lider din na nag-oorganisa. Ipag-aaral natin ang kanilang mga anak. Although band aid solution, lagi na lang talagang babalik sa pag-assert sa right natin sa mas mataas na subsidyo para sa basic social services.

Earl Joseph Usi (STAND UP Film Rep): Sa charity work. Aanhin ko naman po ang isang milyon kung ako lang naman ang tatamasa nito, kaya sa mga naghihrap na mamamayan po para naman hindi lang ako ‘yung magbebenefit.

Marko Yambao (ISA Film Rep): I’ll have a good day’s rest since medyo mukhang mahirap siyang hulihin, no? And ia-allocate ko po sa CMC council, my second home away from home. Then, for GCF-ICS kasi nagbibigay po sila sa victims of typhoons, mga ganun. Of course 'yung matitira kemi-kemi na lang, you know, just to even out things.

Bilang Buwan ng mga Puso ngayon, sinong kandidato ng kabilang partido/independent ang nais mong alayan ng pagmamahal? Bakit?

Alberto Gianco Carlo Ante (ISA Film Rep): Si Aly Suico, ang kabilang Film Rep kasi first sem pa lang sobrang tinulungan na niya kami. Sila yung block handler namin at sobrang bait niya talaga sa amin.

Myra Cabujat (STAND UP Journ Rep): ‘Yung kalaban ko na si Chelsea Sullivan. Unang-una wala siyang kapartner at mahirap ‘yun. Pangalawa, siyempre sabi nga sa kasabihan love thy enemy.
Mari Angelyn Arambulo (ISA CommRes Rep):Ang aking fellow blockmate na si Angelo Lagman. Since independent candidate siya, wala siyang slate and gusto ko na ma-feel niya na kahit we’re running against each other, we’re still friends and mahal ko pa din ikaw Al.

Carla Patrice Cucueco (ISA Vice-Chairperson): Hindi talaga ako makapili ng isa kasi bilang kampo ng neutral, we’re very loving. Pero kung papipiliin ako, alam naman nating napakapogi at napakakisig ni Mr. Joaquin Torres. Kung sakaling pag-alayan niya rin ako ng pagmamahal eh 'di masaya po yun.

Rouenne Camille de Castro (STAND UP CommRes Rep): Si Joaqui Torres. ‘Di na ako magpapaka-plastik, alam naman natin at mag-aagree halos lahat ng girls na may itsura nga naman siya at sa mga nadidinig ko ay maganda din ‘yung personality niya.

Charlotte France (STAND UP Vice-Chairperson): Si Bb. Carla Cucueco. Sa STAND UP ay hindi naman tayo mapanghati, hindi natin tinitingnan na kaaway ang ating katapat. Hindi natin sila hinihiwalay, sila ay bahagi ng sambayanan na nais natin paglingkuran at nais natin itaguyod ang kanilang mga interes at karapatan.

Maria Fatima Gaw (ISA Secretary): Si Mario? Well, close kami pero hindi ko pa maparamdam sa kanya pagmamahal ko kasi hindi pa kami gaano magkakilala.

Serafin Candido Gozon (STAND UP Treasurer): Si Anj, ‘yung kalaban ko, para mas mapakita ko sa kanya kung ano nga ba ang STAND UP. I-share natin sa kanya ang ating mga prinsipyo at malay natin parehas pala nung kanya 'yung sa atin.

Ma. Angerica Emmanuelle Hainto (STAND UP Journ Rep): Si Joaqui kasi bukod sa independent siya, sumama din siya sa rally sa Mendiola. Siyempre ‘pag sumasama ka sa mga bagay na ‘yun, may paninindigan at may pinaglalaban ka, ‘yun ang mga gusto nating alayan ng puso, ‘diba?

Ella Jane Hermonio (STAND UP BC Rep): Si Joaqui dahil sa siya ay independent. Nag-iisa siya, wala siyang slate, kaya aalayan ko siya ng pagmamahal nang sa ganun ay mayroon na siyang makasama ngayong buwan ng mga puso.

Ma. Zarina San Jose (STAND UP Secretary): Si Fatima bilang siya ay direktang kalaban ko sa pagiging secretary. After this election, gusto nating manatili pa rin ang aming friendship at mabuting pagsasama.

Maria Angela Teresa Sebastian (ISA Treasurer): I would like to show my love to Joaqui Torres because he has been an orgmate of mine ever since I was in JMA. So Joaqui Torres, love you, good luck.

Chelsea Sullivan (ISA Journ Rep): Joaqui Torres. Well, we’ve been classmates in Pol Sci. I found out that he was a JMA-er and he’s from Maskom. He’s really cute and right now he’s being a mystery so that’s what makes me want him more.

Mario Urrutia III (STAND UP Chairperson): ‘Yung buong slate ng ISA. Gusto natin na united ang lahat sa mga pinaglalaban natin para maisulong ang collective action tungo sa pagkamit ng mga interes nating mga estudyante at ng mamamayang Pilipino.

Anong una mong ginagawa paggising mo sa umaga?

Maylene Manzano (ISA CommRes Rep): Kinakapa ko kung asan ‘yung phone ko para tingnan kung anong oras na or kung may important bang text. Tapos the usual na: bangon, ligpit, kain.

*Bumunot ang bawat kandidato ng isang tanong mula sa mga tinuping papel. (Dahil sa space constraints, napag-desisyunan ng patnugutan ng Tambuli na dalawang tanong lamang ang lalamanin ng nasabing bunutan.) Binigyan sila ng limang segundo upang basahin ito at 30 segundo upang sagutin. Sa kaso ni Bb. Maylene Manzano (ISA CommRes Rep), iba ang naging tanong para sa kanya upang mapanatiling spontanyo ang kanyang sagot sapagkat sa ibang araw siya nainterbyu.

The interview was done by members of the Union of Journalists of the Philippines UP Diliman (UJP-UP) for the fourth issue of the union’s newsletter “Tambuli” on February 22.UJP-UP is an academic, socio-political union of students which seeks to promote advocacy journalism, press freedom and media ethics while advancing pro-masses and pro-student ideals. 

Photos by Joshua Mark Dalupang